top of page

Mga kandidato sa bayan ng Talayan, Guindulungan at Datu Anggal Midtimbang, nagharap sa candidates forum

  • Diane Hora
  • Jan 28
  • 1 min read

iMINDSPH



Matagumpay na naisagawa ang Political Candidates’ Forum para sa mga tatakbo sa Mayoral at Vice Mayoral race sa mga bayan ng Talayan, Guindulungan, at Datu Anggal Midtimbang sa probinsya ng Maguindanao del Sur.


Ito ay ginanap a-27 ng Enero 2025, sa Headquarters ng 1st Mechanized Battalion, Armor Division, Philippine Army, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.



Kapwa pumirma sa Peace Covenant at Pledge of Commitment ang mga kandidato para sa pagka-Mayor at Vice Mayor ng bayan ng Talatay, Guindulungan at Datu Anggal Midtimbang sa parehong probinsya ng Maguindanao del Sur.



Sa Mayoral race, pinangunahan ito ni Maguindanao del Sur incumbent vice governor Nataniel Midtimbang para sa DAM, Datu Guiadzali Midtimbang para sa bayan ng Guindulungan, Bobby Bodula Midtimbang sa bayan ng Guindulungan at Tungkang Midtimbang sa bayan ng Talayan.



Sa Vice Mayoral race, pinangunahan ito ni Mary Joy Estephanie Midtimbang ng DAM na nirepresenta ni Jomar Midtimbang, Midpantao Midtimbang para sa Guindulungan, Boy Anso Midtimbang para sa Guindulungan, Angelita Midtimbang para sa Talayan na nirepresenta ni Haron Midtimbang


Ipinahayag ni Colonel Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry (UNIFIER) Brigade, na magtutuloy-tuloy ang mga ganitong programa sa kanilang Area of Responsibility.


Nanawagan din sya sa mga kandidato at sa mga kinauukulan na aktibong makipagtulungan sa mga otoridad upang maibaba ang risk level o category ng mga barangays na nasasakupan ng mga nabanggit na bayan.


Tiniyak naman ni BGEN DONALD GUMIRAN, ang Commander ng 6th Infantry (KAMPILAN) Division, Philippine Army, sa mga kandidato at sa mamamayan ang aktibong pagtutok at pakikipag-ugnayan katuwang ang COMELEC, kasundaluhan, kapulisan, at mga civil society organizations upang masiguro ang isang ligtas, maayos, at mapayapang halalan sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page