top of page

Mga kumakandidatong alkalde sa bayan ng Kadayangan at Nabalawag, SGA nangakong susuporta sa isang maayos, ligtas at mapayapang halalan sa Special Geographic Area

  • Diane Hora
  • Feb 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagharap sa isinagawang Political Candidates’ Forum ang mga tumatakbong alkalde sa bayan ng Nabalawag at Kayangan, Special Geographic Area.



Pumirma ang mga ito sa peace covenant at pledge of commitment at nangakong susuporta para sa isang maayos, ligtas, at mapayapang halalan sa SGA.



Isinagawa ang forum a-7 ng Pebrero na pinangunahan mismo ni COMELEC BARMM Regional Election Director, Atty. Ray Sumalipao.



Dumalo din ang mga kinatawan mula sa AFP at PNP, kasama ang ilang civil society organization at Ministry of Public Order and Safety.



Mula sa bayan ng Kadayangan, ang mga mayoral candidates na dumalo ay kinabibilangan ni Mahmod Aguer, Nickson Gayak, Datuidon Sumlay, Asgar Yusop at OIC Mayor Duma Madi Mascud


Sa Nabalawag naman, ang mga dumalo na kandidato sa pagka alkalde ay kinabibilangan nina OIC Mayor Anwar Saluwang, Musa Yacob, Datu Rhenz Tukuran at Mohammad Asrafh Bin Tayuan.


Hinikayat ni 6th Infantry Division Commander, Brig. Gen. Donald Gumiran, ang iba pang mga kandidato at mamamayan sa lugar na makiisa at aktibong makipag-ugnayan sa COMELEC, kasundaluhan at kapulisan upang masiguro ang payapa, ligtas, at maayos na Election Period sa rehiyon.

 
 
 

Commenti

Valutazione 0 stelle su 5.
Non ci sono ancora valutazioni

Aggiungi una valutazione

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page