top of page

MGA LAW ENFORCEMENT UNIT SA MAGSUR, NAGHARAP SA UNANG JOINT SECURITY CONTROL CENTER COORDINATING CONFERENCE NA BAHAGI NG PAGHAHANDA PARA SA MAY 2025 NLE AT BARMM ELECTIONS

  • Teddy Borja
  • Jan 9
  • 1 min read

iMINDSPH


Tinalakay sa kauna-unahang Provincial Joint Security Control Center Coordinating Conference sa probinsya ng Maguindanao del Sur arawn ng Miyerkules, January 8, ang ibat ibang paghahanda para matiyak ang ligtas, patas, at transparent electoral process sa lalawing ngayong darating na Mayo.



Pinangunahan ito ni Maguindanao del Sur Provincial Election Supervisor Atty. Allan Kadon.



Dumalo sa pulong ang mga matataas na opisyal ng PNP at AFP sa pangunguna ni PCol Ryan Bobby Paloma ang Provincial Director ng Maguindanao del Sur PPO at Brigadier General Donald Gumiran, ang Commander ng 602nd Brigade ng Philippine kasama ang mga hepe mula sa dalawampu’t apat na municipal police stations ng MagSur at Municipal Election Officers.



Binigyang tugon din sa meeting ang mga potential security concerns, pagpapalakas ng voter education, pagkakaroon ng communication protocols, at pagbuo ng plano kung saan nakasaad ang mga katungkulan ng bawat ahensiyang kasapi.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page