Mga mag-aaral sa Cotabato City National High School-Main Campus, hiyawan sa pagbisita ni Mayor Bruce Matabalao
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH
Hiyawan ang mga mag-aaral ng Cotabato City National High School Main Campus sa pagbisita sa paaralan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao kaninang umaga.
Nagpapasalamat ang alkalde sa mainit na pagtanggap ng pamunuan at ng mga mag-aaral ng eskwelahan.
Ilan sa mga mag-aaral ang nakipag selfie sa alkalde
Nagtungo sa paaralan si Mayor Matabalao matapos kumalat ang isang video online na umano ay kaso ng bullying sa labas ng paaralan.
Sa post ng facebook page ng alkalde, nilinaw umano ng tatlong kabataang nasa video, silang tatlo ay magkakaibigan at nag-aasaran lamang ang mga ito at hindi ito kaso ng bullying.
Gayunpaman, napagdesisyunan ayon sa post na "expelled" ang mga ito dahil na rin sa mga nakaraang issues nito sa paaralan.
Dagdag sa impormasyon na Isinagawa ito ng paaralan para sa kanilang kaligtasan at di na maulit ang mga nakaraang issue nito sa mga paglilipatan nilang mga paaralan.
Nagpa-alala naman ang alklade sa institusyon at sa lahat ng paaralan sa Lungsod ng Cotabato na tutukan ang bawat kabataan, lalo na ang mga nasasangkot sa kaguluhan at ang mga nabibiktima rito.
Comments