top of page

Mga magkakatunggali sa pulitika sa bayan ng Northern Kabuntalan, Talitay at Datu Odin Sinsuat, nagharap sa Political Candidates’ Forum

  • Diane Hora
  • Jan 27
  • 2 min read

iMINDSPH



Nagkaisa ang mga magkakatunggali sa lokal na posisyon mula sa bayan ng Talitay, Northern Kabuntalan, at Datu Odin Sinsuat, kasama ang kanilang mga tagasuporta sa panawagan ng COMELEC, 6th Infantry (KAMPILAN) Division, at ng PNP-PRO-BARMM para sa pagkamit ng ligtas at payapang halalan sa lalawigan sa darating na Mayo.



Bilang tanda ng kanilang sinseridad, nagkamayan, nagyakapan, nanumpa, at lumagda ang mga kandidato sa isang peace covenant sa ginanap na Political Candidates’ Forum, a-24 ng Enero 2025, sa himpilan ng 1st Mechanized (Lakan) Battalion sa Brgy. Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.



Pinangunahan ang hakbang ng 6th Infantry (Kampilan) Division sa pamumuno ni Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, katuwang ang 601st Brigade, Office of the Provincial Election Supervisor COMELEC ng Maguindanao del Norte, Philippine National Police, Non-government organization na Non-violent Peace Force, Ministry of Peace and Order Security (MPOS-BARMM), 6th Civil-Military Operations Battalion, at iba pang ahensya.



Ayon sa pinagsamang ulat ng AFP, PNP, at COMELEC, ilan sa mga barangay sa mga bayan na nabanggit ay kabilang sa red at orange categories o mga lugar na nangangailangan ng espesyal na atensyon dahil sa mga insidente ng karahasan noong nakaraang mga halalan.


Gayunpaman, iginiit ni Col. Ricky Bunayog, Acting Commander ng 601st Infantry Brigade, na sa tulong at kooperasyon ng mga political candidates at mamamayan ay maaaring mailipat ang mga lugar na ito sa green category o Areas of No Concern bilang simbolo ng kapayapaan.


Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad sina Lt. Col. Robert Betita ang Commanding Officer ng 1Mech Battalion, Atty. Mohammad Nabil Mutia ang Provincial Election Supervisor ng Maguindanao del Norte, kinatawan ng MPOS-BARMM na si Abdul Najid Nagamura; Lt. Col. Lester Mark Baky (Commanding Officer ng MBLT5); Police Lt. Col. Julhamin Asdani (Deputy Provincial Director); Lt. Col. Roden Orbon ang Commanding Officer ng 6CMO/Spokesperson 6ID. Tamano Diolaten ang Election Officer ng Talitay, mga miyembro ng media, at iba pang opisyal.


Ang forum ay nagbigay-daan upang pagtibayin ang pagkakaisa at kapayapaan sa darating na halalan. Patuloy ang panawagan ng 6th Infantry (KAMPILAN) Division sa mga kandidato at sa kani-kanilang mga tagasuporta na lubos na makipagtulungan upang maging ligtas ang mamamayan ngayong election period.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page