top of page

Mga may edad nang residente ng Datu Montawal na nagpatuli sa patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng Maguindanao del Sur Provincial Government, ginantimpalaan!

iMINDSPH


Muling tinungo ng Maguindanao del Sur Medical Team ang bayan ng Datu Montawal, at ang mga residente ng Barangay Dungguan ang benepisyaryo naman ng patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan.



Pinangunahan ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang paghahatid ng serbisyo kasama ang mga volunteers, doctors at nurses kung saan-



281 adult patients at 20 na mga bata ang nakapagpakonsulta at nabigyan ng gamot at bitamina.



55 na residente naman ang nakapagpabunot ng ngipin.



145 residents ang tumanggap ng reading eye glasses, limang daan ang benepisyaryo ng feeding program at 250 na residente ang nabigyan ng tsinelas.



133 na residente naman ang nakapagpatuli kung saan agaw pansin ang 76 years old, 41 years old, 30 years old at 20 years old na nagpatuli ang ginantimpalaan ng gobernador.



Tinanggap ng 76 years old na lolo at 41 years old na residente ang tig- 30 thousand pesos at tig sampung libo naman ang tinanggap ng 30 years old at 20.



Isinagawa ng MagSur provincial government ang libreng serbisyong pangkalusugan araw ng Huwebes, February 20.



Kasama ng gobernador si vice gubernatorial candidate Taharudin “Benzar” Ampatuan, MP Datu Ali Sangki, Mayor Suharto “Al-Wali” Sangki Mangudadatu ng Datu Abdullah Sangki at mga kandidato sa posisyong board members ng lalawigan.



Nakiisa rin sa aktibidad si Mayor Datu Otto Montawal, Vice Mayor Datu Vicman Montawal, mga kapitan at kagawad ng barangay.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page