Mga paghahanda sa halalan, redeployment ng security personnel at implementasyon ng COMELEC control measures, tinalakay sa Regional Joint Security Control Center (RJSCC) meeting
- Teddy Borja
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap muli ang mga opisyal ng PNP PRO BAR, COMELEC BARMM at iba pang partner agencies sa ginanap na Regional Joint Security Control Center (RJSCC) meeting, araw ng Biyernes, May 2 sa Camp Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.

Sa pulong, tinalakay ang mga ginagawang paghahanda ng otoridad para sa halalan sa Lunes, May 12, redeployment ng security personnel at implementasyon ng COMELEC control measures.

Sinabi ni PNP PRO BAR Regional Director PBGen Romeo Macapaz na mahigpit ang kanilang pagkikipag ugnayan sa COMELEC upang matiyak ang honest, orderly, at peaceful elections. Ang kaligtasan aniya ng mga botante at integridad ng electoral process ang kanilang prayoridad.

Ang pulong ay pinangunahan ni COMELEC BARMM Regional Election Director at Deputy Commander ng Special Task Force for BARMM 2025 NLE, Atty. Ray Sumalipao.

댓글