Mga posters ng mga National Candidates, tinanggal ng COMELEC sa pag arangkada ng kampanya simula february 11
- Diane Hora
- Feb 12
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggal ng COMELEC ang lahat ng posters ng mga national candidates na wala sa designated common poster areas sa pag arangkada ng kampanya simula araw ng Martes, February 11.

Sa Cotabato City, pinangunahan mismo ni Action Election Officer, Atty. Dindo Maglasang ang pagbaklas sa mga poster. Kasama nito si BARMM Regional Election Director, Atty. Ray Sumalipao.

Nakiisa din ang mga kawani ng Ministry of Public Works (MPW), City Engineering Office (CEO), City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Cotabato City Police Office (CCPO) at Marine Battalion Landing Team 5 (MBLT-5.

Ang campaign period para sa mga Senatorial Candidates at Party-List Organizations ay nagsimula ng February 11 at magtatapos sa May 10, 2025.






Commentaires