MGA PROGRAMA NG MAGUINDANAO DEL SUR PROVINCIAL GOVERNMENT HINGGIL SA 18-DAY CAMPAIGN TO END VAW, MATAGUMPAY; AGILA LIVELIHOOD PACKAGE KALOOB NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA MGA SURVIVORS
- Diane Hora
- Dec 16, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Naging matagumpay ang mga programang ikinasa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur hinggil sa 18 day campaign to end VAW sa probinsya.

Nanguna sa mga aktibidad ang focal person ng Provincial Gender and Development Nor-Eimman Balayman-Dalaten at Nurfarid Ampatuan.

Sa pagtatapos nito taunang kampanya, nakiisa rin ang Uniphyl Women, WCPD, MSSD at GAD Focal mula sa iba’t ibang LGU, maging LYDO at victim survivors.

Layunin ng nasabing programa ang patuloy na paigtingin ang laban upang matigil ang karahasan sa mga kababaihan sa probinsya. Ito rin ay paraan ng LGU upang mas lalo pang maging aktibo ang lahat sa pakikilahok sa mga advocacies at community awareness sa mga barangay at munisipyo.
Namahagi rin ang provincial government ng “AGILA Livelihood Package” sa mga victim survivors. Malaki ang pasasalamat ng mga survivors sa kanilang natanggap na maari nilang magamit sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan at gastusin.
Binigyang diin ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa kanilang bawat programa na walang dapat mapagiiwanan.
Comentários