Mga residente ng Barangay Pandi, Datu Salibo, Maguindanao del Sur, dagsa sa patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng provincial government
- Diane Hora
- Feb 14
- 1 min read
iMINDSPH

Isang daan at dalawampu’t limang adult patients at limampu’t limang mga bata sa Barangay Pandi, Datu Salibo, Maguindanao del Sur ang nakapagpakonsulta ng libre at nabigyan ng gamot sa patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan.

Tatlumpo’t lima ang nakapagpabunot ng ngipin, at tatlumpo’t anim ang nakapagpatuli.

Habang isang daan at apatnapu’t lima ang nabigyan ng salamin pambasa, tatlong daan ang may bagong tsinelas at limang daan naman ang benepisyaryo ng feeding program.

Ang medical at dental mission at outreach program ang isa sa mga flagship programS ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.
Kasama ng provincial government sa Datu Salibo si Congressman Thong Paglas na namahagi ng wheelchair sa may mga kapansanan.
Nakiisa din ang mayoral candidate ng bayan na si Datu Moarip Ampatuan at kandidato sa pagka board member Bai Zahara Ampatuan at Datu Baba Omar.
Layunin ng gobernador na mabigyan ng de kalidad na serbisyo publiko ang bawat mamamayan ng lalawiga at maipadama ang kahalagahan ng kalusugan sa bawat isa.
Comments