Mga residente ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur, benepisyaryo sa patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

Sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur, 210 adult patients at 48 na mga bata ang nakapagpakonsulta ng libre sa medical, dental sa outreach program ng pamahalaang panlalawigan.

28 patients ang nakapagpabunot ng ngipin, 66 patients ang nakapagpatuli, 145 residente ang nabigyan ng reading eye glasses, 250 residente ang nagkaroon ng bagong tsinelas, at limang daang residente ang benepsiyaryo ng feeding program.

Lumahok din sa programa si Maguindanao del Sur gubernatorial candidate Tahirodin “Benzar” Ampatuan, incumbent board member, barangay officials at candidates.

Binigyan naman ng gantimpala ng provincial government ang dalawang lalaki na may edad na nagpatuli.

Hangad ng halos araw-araw na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang maipadama sa mga residente ang kahalagahan ng pagtutok sa kalusugan lalo na sa mga liblib na barangay sa probinsya at ibaba ang serbisyo sa taumbayan.





Comments