Mga residente ng Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, benepisyaryo muli sa patuloy na Solid DOS Medical Outreach Program
- Diane Hora
- Jan 31
- 2 min read
iMINDSPH

TULOY-TULOY parin ang mga serbisyong handog ng Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat katuwang ang TIYAKAP DLS Foundation ni One Maguindanao Vice Governor Bai Ainee Sinsuat at ALAGANG DOS Foundation ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat.

Araw ng Huwebes, January 30, 2025 ang Barangay TAMONTAKA naman ang nakabenepisyo sa mga serbisyong handog ng programa.

Sa pangunguna ni Mayor Datu Lester Sinsuat, nakapamahagi ito ng LIVELIHOOD Assistance, at naserbisyuhan naman ng tulong Medikal ang ilan sa mga kababayan natin sa Barangay TAMONTAKA.

Lubos namang nagpapasalamat si Brgy. TAMONTAKA Chairwoman Bai Ivie Rose Sinsuat sa LGU dahil sa walang sawang pagtulong nito sa barangay at sa iba pang lugar ng Datu Odin Sinsuat.

Pinasalamatan din ng kapitana ang alkalde sa pagbabalik muli ng Solid DOS Medical Outreach Program sa kanyang Barangay. Anya, labis ang kasiyahan na nadama ng kanyang ka-barangay sa hatid ng ating mahal na Working Mayor DLS.

Ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay isang flagship program ng Lokal na Pamahalaan na syang inisyatibo ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat na may layuning mailapit ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay ng Datu Odin Sinsuat. Ilan sa mga serbisyong nakapaloob sa programa ay ang:

● GINHAWA PROGRAM
Na isang Isang Livelihood Assistance na nagbibigay ng panimulang pagkakakitaan tulad ng mga Sari-sari Store starter kit at mga inahing Kambing.
● TULONG MEDIKAL "Mayor Lester Clinic on Wheels"
Na Tulong pangkalusugan na handog ay libreng Check up at Gamot.
● PABISIKLETA NI YORME
Isang Munting regalo ni Working Mayor DLS para sa mga bata sa tuwing idinadaos ang Medical Outreach Program.
● FOOD ASSISTANCE
Ito ang Pamamahagi ng FOOD PACKS (Rice with Groceries) at Vegetable seeds para sa mga Senior Citizens, Solo Parent, PWDs, Vendors, Construction Workers, Habal-habal drivers at iba pa.
At ● FEEDING PROGRAM
Handog ang Nutritious meal para sa mga bata
at pamamahagi ng Tsinelas
Samantala, nagkaroon din ng orentasyon ang MSWO-DOS patungkol sa VAWC o Violence Against Women and their Children's Act.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga residente ng Brgy. TAMONTAKA na maka-avail muli ng FREE Application ng Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.
Matagumpay na naisakatuparan ang programa sa pakikipagtulungan ng TIYAKAP DLS Foundation ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, ALAGANG DOS Foundation ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat, BLGU-TAMONTAKA sa pamumuno ni ABC President Bai Ivie Rose Sinsuat, RN at ng Barangay Nutrition Scholar(BNS).
Comments