Mga residente ng Tanuel, Datu Odin Sinsuat, dagsa sa Solid DOS at Tampil Tanu sa Maguindanao del Norte Medical Outreach Programs, katuwang ang TIYAKAP DLS at Alagang DOS Foundation
- Diane Hora
- Feb 14
- 2 min read
iMINDSPH

Sa ikatlong araw na kolaborasyon ng Programang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat at ng Tampil tanu sa Maguindanao del NORTE Medical Outreach Program ni Former TESDA Secretary Suharto "Gov Teng" Mangudadatu, ang mga residente ng Barangay Tanuel ang naka benepisyo sa hatid na medical at legal services ng grupo.

Katuwang parin sa programa ang Tiyakap DLS Foundation ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat at Alagang DOS Foundation ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat.

Ilan sa mga serbisyong hatid ng programa ng Tampil tanu sa Maguindanao del NORTE Medical Outreach Program ay ang
📍Dental Services
📍Medical and Eye Check up
📍 Circumcission
📍Wellness and Nutrition
📍Slippers Distribution
📍Legal Services
Samantala ang Solid DOS Medical Outreach Program na pinamumunuan ni Working Mayor Datu Lester Sinsuat ay may hatid na mga services tulad ng
📌 GINHAWA PROGRAM
-Isang Livelihood Assistance na nagbibigay ng panimulang pagkakakitaan tulad ng mga Sari-sari Store starter kit at mga inahing Kambing.
📌 TULONG MEDIKAL "Mayor Lester Clinic on Wheels"
- Tulong pangkalusugan na handog ay libreng Check up at Gamot.
📌 PABISIKLETA NI YORME
- Munting regalo ni Working Mayor DLS para sa mga bata sa tuwing idinadaos ang Medical Outreach Program.
📌 FOOD ASSISTANCE
- Pamamahagi ng FOOD PACKS (Rice with Groceries) at Vegetable seeds para sa lahat.
📌 FEEDING PROGRAM
-Nutritious meal para sa mga bata
at pamamahagi ng Tsinelas

Nabigyan din ng pagkakataon ang mga residente ng Barangay Tanuel na maka-avail muli ng FREE Application ng Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.

Matatandaan na ang alkalde din ang nasa likod ng matagumpay na TIYAKAP DLS Foundation na pinamumunuan ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat simula pa noong 2019.

Ito ay tinatag sa panahong Bise Gobernador pa si Mayor Lester. Kaya naman, simula ng bumalik at maupo itong alkalde ng Datu Odin Sinsuat ay nabuo ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat na syang naging flagship program na ng Lokal na Pamahalaan.

Layunin nito na mailapit ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay ng Datu Odin Sinsuat upang magbigay ng oportunidad at suporta sa mga kababayan nating nasa barangay.


Comentarios