top of page

Mga residente ng Tapian, Kusiong, Badak, Linek, Mompong at Dinaig Proper, tumanggap ng bigas mula kay Datu Odin Sinsuat Mayor Datu Lester Sinsuat

iMINDSPH


Sa pagpapatuloy ng Ramadhan Rice Distribution ng Local Government Unit ng Datu Odin Sinsuat sa pamumuno ni Mayor Datu Lester Sinsuat para sa 34 Barangays ng bayan ngayong buwan ng Ramadan-



Mahigit kumulang isang libong bigas ang naipamahagi sa Barangay Tapian, Kusiong, Badak, Linek, Mompong at Dinaig Proper, a-12 ng Marso.



Ito na ang ikatlong araw ng Ramadan Rice Distribution ng alkalde para sa lahat ng barangay sa bayan.



Ang Rice Distribution ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay isa lamang sa mga aktibidad ng Lokal na Pamahalaan na naglalayong tugunan at maibsan ang pangangailangan ng ilan nating mga kababayan sa Datu Odin Sinsuat ngayong buong buwan ng pag-aayuno.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page