Mga residente ng Tenonggos, tinungo ng LGU DOS, hatid ang Ginhawa Program at tulong medikal katuwang ang TIYAKAP DLS Foundation at ALAGANG DOS Program
- Diane Hora
- Jan 22
- 2 min read
iMINDSPH

Daan-daang residente ng Barangay TENONGGOS ang muling nakabenepisyo ng programang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat, araw January 20, 2025.

Hatid parin ang mga serbisyong Medikal kung saan humigit 200 ang nakabenepisyo ng libreng Check up at gamot sa tulong ng "Mayor Lester Clinic on Wheels".

Pinangunahan din ni Mayor Lester Sinsuat ang pamamahagi ng Livelihood Package tulad ng Sari-Sari Store starter kit at mga Kambing. Ito ay mula sa Ginhawa Program ni Working Mayor DLS.

Namahagi din ng mga bisikleta para sa mga bata.
Maliban dito, daan-daang residente ng Barangay Tenonggos ang nabigyan ng
● FOOD PACKS (Rice with Groceries)
● VEGETABLE SEEDS
Nagkaroon din ng
● FEEDING Program at namahagi ng SLIPPERS at LOOT BAGS para sa mga bata.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga residente na maka-avail muli ng
● FREE Application of Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.

Ang TIYAKAP DLS Foundation sa pamumuno ni One Maguindanao Vice Governor Bai Ainee Sinsuat ay nagpaabot ng 50pcs mono block chairs para sa Barangay Hall.

Ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay isang flagship program ng Lokal na Pamahalaan na syang inisyatibo ng ating mahal na alkalde, Datu Lester Sinsuat na may layuning makatulong na mabawasan ang problemang pinansyal ng mga kababayan nating walang kakayahang matingnan ng doktor at makabili ng gamot higit sa lahat ang makapanimula sa isang maliit na negosyo at halal na pagkakakitaan.
Hangad din nito na mailapit ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay ng Datu Odin Sinsuat.
Ang aktibidad ay naging posible sa pakikipagtulungan ng TIYAKAP DLS Foundation ng ating mahal na One Maguindanao Vice Governor Elect Bai Ainee Sinsuat.
Katuwang din sa matagumpay na programa ang BLGU-TENONGGOS sa pamumuno ni Yulo Sebangan, ALAGANG DOS Foundation, Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars.
Comments