top of page

Mga sundalo mula sa 48th Infantry Battalion at 1st Armor Company ng Armor Division, dumating na sa Central Mindanao bilang dagdag pwersa para tumulong sa pagpapatupad ng seguridad sa halalan sa Mayo

  • Teddy Borja
  • Apr 21
  • 1 min read

iMINDSPH



Dumating na sa Central Mindanao ang pwersa mula sa 48th Infantry Battalion at 1st Armor Company ng Armor Division para tumulong sa pagpapatupad ng seguridad sa halalan sa Mayo.



Bahagi ito ng security preparation ng militar para sa halalan. Ipapadala ang mga dumating na sundalo sa mga probinsiya ng Maguindanao at Special Geographic Area ayon kay Major General Donald Gumiran, ang Commander of JTF Central at 6ID.



Matatandaan na sa unang linggo ng Marso ngayong taon, 2 kompanya ng Philippine Marines ang ipinadala sa JTF Central area of operations para sa election duties at iba pang security related mandates.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page