top of page

Midsayap Mayor Rolly Sacdalan, kinumpirma na walang dinukot na bata sa bayan; Alkalde, nanawagan sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news

  • Writer: LERIO BOMPAT
    LERIO BOMPAT
  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH


Walang naitalang kidnapping o pagkawala ng mga bata sa Midsayap, Cotabato Province. Ito ang kumpirmasyon mula kay Mayor Rolly Sacdalan.


Sinabi ng alkalde sa facebook post nito na nakipag-ugnayan na siya sa otoridad, mga barangay officials sa bayan at maging sa mga paaralan.


Nanawagan ang alkalde na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news. Mahalaga aniya ang pagiging maingat pero hinihikayat nito ang pagiging responsable sa pag-share at pagpapaniwala sa mga posts sa social media na nagdudulot ng takot at pangamba.


Hinimok ni Mayor Rolly Sacdalan ang Misayapenyos na ireport sa PNP at LGU kung may impormasyon at insidente.


Siniguro naman nito sa kanyang mga constituents na nakatutok sila sa seguridad at kaligtasan ng mamamayan sa bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page