top of page

Midsayap Municipal Police, pinabulaanan ang balita na may dinukot na bata sa bayan sakay ng puting van; Ibayong pag-iingat, panawagan ng otoridad sa gitna ng isyu ng mga umano’y pagdukot

  • Teddy Borja
  • Jan 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinasinungalingan ng Midsayap Municipal Police ang kumakalat sa social media na may dinukot na bata sa bayan sakay ng puting van. Sa gitna ng isyu, pinag-iingat naman ng otoridad ang mamamayan.


Iba’t ibang impormasyon ang mga kumakalat sa social media hinggil sa umano’y mga insidente ng pagdukot na isinasakay umano sa puting van.


Ilan sa mga lugar na napapa-ulat na sinasabing nagkaroon ng insidente ng pagdukot ay ang bayan ng Midsayap.


Pero mariin na pinasinungalingan ng hepe ng Midsayap Municipal Police Station na si PCol Raylan Mamon ang mga kumakalat na impormasyon.


Ayon sa opisyal, hindi totoo na may dinukot na bata sa bayan ng Midsayap.

Nauna nang pinasinungalingan ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan ang report at mariin na itinanggi na walang insidente ng pagdukot ang naganap sa kanilang bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page