top of page

MILF Central Committee, nilinaw ang kanilang saloobin sa isang pahayag hinggil sa pagpapalit ng liderato sa Bangsamoro Transition Authority

iMINDSPH


Nagharap sa isang consultative assembly, araw ng Linggo, March 16 ang Central Committee ng Moro Islamic Liberation Front.



Dito, nilinaw ng MILF Central Committee ang kanilang saloobin at posisyon sa pagpapalit ng liderato sa Bangsamoro Transition Authority.



Naglabas din ng hinaing ang mga dumalo kaugnay sa bagong presidential appointments sa BTA kung saan bigo anilang nasunod ang 41 nominees base sa pormal na isinumiteng listahan ng MILF.



Ayon sa pahayag, 35 lamang mula sa 41 na pangalanan na inendorso ng MILF ang naappoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Malinaw anila ito na pakikialam sa internal affairs ng MILF na direkta anilang pagsira sa prinsipyo ng otonomiya na isinasaad sa Bangsamoro Organic Law.


Ang panghihimasok anila na ito ay paglapastangan sa Section 2, Article XVI ng BOL na nagsasad na ang Moro Islamic Liberation Front ang mangunguna sa Bangsamoro Transition Authority. Isa rin aniya itong paglabag sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB partikular sa Annex on Transitional Arrangements II.B.2 na nagsasaad na ang BTA ay dapat MILF-led.


Mas makabubuti anila na pagkonsulta sa MILF at pagrespeto sa kanilang desisyon sa usapin na mahalaga sa Bangsamoro.


Hindi rin anila nakatulong na ang national government ay nag-appoint ng bagong interim Chief minister sa kabila ng paulit-ulit anila na paghahayag ng hinaing ng MILF Central Committee sa mga inisyung resolutions na panatilihin sa posisyon si MILF Chairman Ahod Ebrahim.


Bagama’t nasa kapangyarihan umano ng Pangulo ang pagtalaga ng ICM, dapat ay kinonsidera din anila ang desisyon ng MILF.


Anila, ang peace agreement ay nakasasalay sa symbiotic partnership sa pagitan ng national government at MILF, isang relasyon na itinatag base sa tiwala, respeto, at mahigpit na pagsunod sa kasunduan.


Sa kabila nito, binigyang diin pa rin ng MILF Central Committee sa Bangsamoro people ang kahalaghan na manatiling nagkakaisa. Pinaalalahan din ang lahat na umiwas sa anumang pagtatangka na naglalayon ng pagkakawatak-watak at pag-awayin ang isa’t isat.


Pinasalamat din ng MILF Central Committee ang pangako ng mga dumalo sa kanilang katapatan sa liderato ni Al Haj Murad Ebrahim bilang chairman ng MILF, Commander-in-Chief ng Bangsamoro Islamic Armed Forces at kanilang Amirul Mujahideen.



Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page