top of page

MILG, ipinatitigil ang pagpapatupad ng preventive suspension sa 4 barangay kapitan ng Cotabato City dahil pasok na ito sa 90-day election ban kaugnay sa nalalapit na BARMM Parliamentary Elections

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 2 min read

iMINDSPH



Pansamantalang ipinatitigl ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ang pagpapatupad ng preventive suspension order laban sa apat na punong barangay sa Cotabato City.


Sa isang memorandum na may petsang Enero a- 7, 2026, inatasan ng MILG ang Cotabato City Field Office ng ministry na huwag ipatupad ang mga suspension order na inilabas ni Mayor Bruce Matabalao para kay Barangay Chairman Datu Edris Pasawiran ng Kalanganan II, Melissa Faye Ayunan ng Rosary Heights XII, Datu Bimbo Pasawiran ng Mother Kalanganan, at Fidel Dino Espino ng Rosary Heights V.


Ayon sa MILG, hindi na maaaring ipatupad ang naturang preventive suspension orders dahil pumasok na ang itinakdang 90-day election period ban—mula Disyembre 30, 2025 hanggang Marso 30, 2026—kaugnay ng Bangsamoro parliamentary elections na nakatakdang idaos sa Marso 30, 2026, alinsunod sa resolusyon ng Commission on Elections.


Nilinaw ng MILG na malinaw ang probisyon ng Bangsamoro Autonomy Act No. 49 o Bangsamoro Local Governance Code of 2023: walang imbestigasyon at walang preventive suspension na maaaring ipataw sa loob ng 90 araw bago ang lokal na halalan. Kung may suspension na naipatupad bago pa man ang naturang panahon, ito ay awtomatikong itinuturing na lifted pagpasok ng prohibited period.


Tahasan ding inutusan ng MILG ang Cotabato City Field Office ng ministry at lahat ng opisyal nito na huwag magpatupad ng mga naturang suspension orders. Inatasan din ang mga field officers na tanggihan ang anumang direktiba mula sa local government units na nag-uutos sa kanila na magsilbi o magpatupad ng preventive suspension orders ng mga lokal na sanggunian, dahil ang MILG ay hindi nasa ilalim ng superbisyon ng alinmang LGU ayon pa sa memorandum.


Nilinaw rin sa memorandum na ang direktiba ay hindi saklaw ang mga kautusan o desisyon mula sa ibang tribunal gaya ng Sandiganbayan, COMELEC, Office of the Ombudsman, Civil Service Commission, at mga regular na hukuman.


Ang kautusan ay pirmando ni BARMM Interim Chief Minister at MILG Minister Abdulraof Macacua.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page