top of page

100 qualified applicants para sa Free Driver's License Program ng tanggapan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, inilabas na

  • Diane Hora
  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Inanunsyo ngayong araw ng opisina ni MP Abdulraof Macacua ang opisyal na listahan ng 100 kwalipikadong applikante nito para sa Free Driver's License Program sa ilalim ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC)


Bahagi ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan para mabigyan ng libreng legal na pribilehiyo sa pagmamaneho ang mga mamamayan.


Kinakailangang isumite ng mga napiling aplikante ang mga dokumento sa 2nd Floor, Al-Nor Building, Sinsuat Avenue, RH 10, Cotabato City (Opisina ni MP Abdulraof Macacua) upang makapagpatuloy sa susunod na hakbang ng programa.


Mga kailangang dokumento:


6 pcs. 1×1 ID picture (puting background)

Orihinal na Certificate of Indigency

Certified photocopy ng PSA Birth Certificate



Pinapayuhan ang mga aplikante na mag-submit nang maaga upang maiwasan ang pagkaantala.


"First come, first serve" ang susunding basehan ng registration order.


Para sa mga katanungan o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa opisyal na Facebook page ng programa.


Hinihikayat din ang publiko na i-like, i-share, at i-follow para sa mga update.


Ang programang ito ay patunay ng pagsusumikap ng pamahalaan na maging accessible ang mga pangunahing serbisyo, suportahan ang mobilidad, at bigyang kapangyarihan ang komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page