Militar at mga armadong terorista, nagkasagupa sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur; Mga kagamitang pandigma, nasamsam ng mga sundalo pagkatapos ng sagupaan
- Teddy Borja
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nakasagupa ng mga elemento ng 6th Infantry Battalion sa Barangay Penditen, Datu Salibo, Maguindanao del Sur ang nasa apat na mga armadong terorista, araw ng Sabado, May 3.
Sa clearing operation, nakarekober ang tropa ng militar ng isang M14 rifle, dalawang magazine, isang bandolier, dalawang Caliber .45 pistol, at iba pang kagamitan.
Nakita rin ng militar ang bakas ng dugo sa lugar, indikasyon umano na may nasugatang miyembro mula sa panig ng kalaban.
Ayon kay Lt. Col. Al Victor Burkley, Commanding Officer ng 6IB, nagsasagawa ng regular na combat patrol ang kanilang mga tauhan nang maengkwentro ang armadong grupo.
Samantala, sinabi ni Major General Donald M. Gumiran, Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central (JTFC), na ang ganitong resulta ng operasyon ay patunay ng determinasyon ng militar na tuldukan ang presensya ng mga teroristang grupo sa rehiyon.
Nananawagan din ang Division Commander sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang mas mapabilis ang mga operasyon laban sa mga natitirang elemento ng teroristang grupo.
Comentarios