
Magagamit na ng mga mag-aaral ng Datu Aliman Elementary School sa Barangay Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan ang bagong mini gymnasium, at ang inayos na Madrasah ng sa Barangay Mayapag, bayan ng Datu Anggal Midtimbang handog ng provincial government ng Maguindanao del Sur. Natapos na ang konstraksyon ng Mini Gymnasium ng Datu Aliman Elementary School sa Barangay Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, at pagsasaayos ng Madrasah sa Barangay Mayapag, bayan ng Datu Anggal Midtimbang sa probinsya ng Maguindanao del Sur kahapon, January 11, 2024. Magagamit na ito ng mga mag-aaral sa lugar.
Ito ang ilan lamang sa mga itinataguyod na programa ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa Maguindanao del Sur sa ilalim ng kanyang 10 point Socio-economic Agenda na angkop na imprastraktura para sa mamamayan ng lalawigan.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng komportableng pasilidad na mapapakinabangan ng mga mag-aaral at guro sa kanilang araw-araw na pagsasanay.
Comments