top of page

MIYEMBRO NG ARMADONG GRUPO, NASAWI SA ENGKWENTRO SA PAGITAN NG MILITAR SA MUDSENG, KADAYANGAN, SGA, BARMM

  • Diane Hora
  • Dec 20, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Patay ang isang miyembro ng armadong grupo matapos maka engkwentro ang tropa ng 34th Infantry Battalion sa Barangay Mudseng, Kadayangan, SGA, BARMM madaling araw noong Lunes December 16, 2024.

Sa impormasyon mula kay Lt. Col. Edgardo Batinay, 34IB Commanding Officer, nagpapatrolya ang mga sundalo sa lugar nang biglang nagpaputok ang mga armadong kalalakihan.

Tumagal ng 20 minuto ang engkwentro.

Matapos ang engkwentro, narekober ng militar ang isang Cal. 50 Sniper, isang M14 Rifle, tatlong Rifle Grenade, mga bala at magazine na ngayon ay nasa pangangalaga ng PNP.


Iniimbestigahan naman ngayon ng pulisya ang insidente habang nakikipag-unayan agad ang otoridad sa mga Barangay Officials para mailibing ang nasawing armadong indibidwal.

Agad na pinuri ni Brig. Gen. Donald Gumiran, ang kasundalohan ng 34IB sa agarang pagtugon para hadlangan ang masamang balak ng mga armadong grupo.

Nanawagan naman si Maj. Gen. Antonio G. Nafarrete, JTF Central at 6ID Commander laban sa mga armadong grupong nagbabalak manggulo at sirain ang kaayusan at kaunlaran na tinatamasa ng karamihan.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page