top of page

MOH, NAGLABAS NG SEA TURTLE FOOD POISONING ALERT KASUNOD NG INSIDENTENG PAGKAMATAY NG 3 RESIDENTE SA DATU BLAH SINSUAT MATAPOS KUMAIN NG INADOBONG PAWIKAN

  • Diane Hora
  • Dec 3, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagbabala ang Ministry of Health BARMM sa publiko na iwasan ang pagkain ng karne ng pawikan.


Ayon sa inisyung Sea Turtle Food Poisoning Alert ng MOH, maaring magdulot ng seryosong karamdam o pagkalason ang kakain nito dahil sa posibleng kontaminasyon.


Ayon sa MOH, ang mga pawikan ay maaaring maglaman ng toxins mula sa kanilang kinakain, tulad ng mga nakalalasong algae. Ang mga toxins na ito ay hindi natatanggal sa pagluluto at maaaring magdulot ng sumusunod na sintomas tulad ng pagsusuka at matinding pagduduwal, matinding pananakit ng tiyan, hirap sa paghinga, at pagkawala ng malay.


Kung nakaranas ng alinman sa mga nabanggit na sintomas matapos kumain ng karne ng pawikan, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital.


Matatandaang tatlumpo’t dalawa ang isinugod sa pagamutan matapos kumain ng inadobong pawikan sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Tatlo sa mga ito ang nasawi.


Ayon sa MOH, huwag manghuli, magbenta, o kumain ng karne ng pawikan!

Ang pawikan ay itinuturing na endangered species, at ang panghuhuli at pagkain nito ay labag sa batas sa ilalim ng Philippine Wildlife Act (RA 9147)


Bukod sa panganib sa kalusugan, ito ay nakakasira din sa kalikasan ayon sa ministry.



 
 
 

Komentarze

Oceniono na 0 z 5 gwiazdek.
Nie ma jeszcze ocen

Oceń

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page