top of page

MOLE BARMM AT IOM, NAGPULONG AT TINALAKAY ANG MGA ISTRATEHIYA PARA SA TUBERCOLOSIS CONTROL SA BARMM

  • Diane Hora
  • Dec 5, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagharap ang MOLE BARMM at International Organization for Migration o IOM, araw ng Biyernes, November 29 sa MOLE office sa lungsod ng Cotabato.



Tinalakay sa meeting ang mga istratehiya para sa Tuberculosis o TB control sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


Pinangunahan ni Abdulrakman Nor, Officer-in-Charge Director ng MOLE-BLRS ang pulong sa pagitan ng TB Advisor ng IOM na si Lawrence Trinidad, at Migration Health Project Assistant Cristine Joy Ayag.


Nilalayon ng pulong na magtulungan ang dalawang tanggapan para tugunan ang TB lalo na sa lugar ng trabaho at iba pang local sectors sa buong rehiyon.


Kasalukuyang ipinatutupad ng IOM ang "BARMM Resilience" project sa pakikipagtulungan ng Ministry of Health (MOH) at suporta mula sa USAID.


Nilalayon ng proyekto na palakasin ang pagtugon sa health emergencies na nakatutok sa TB control strategies.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page