MOLE BARMM, NAKIISA SA 18-DAY CAMPAIGN PARA WAKASAN NA ANG KARAHASAN LABAN SA MGA KABABAIHAN O VIOLENCE AGAINST WOMEN (VAW)
- Diane Hora
- Nov 26, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng BARMM Government araw ng Lunes, November 25 ang seremonya sa unang araw ng pakikiisa sa 18-day campaign upang tuldukan ang karahasan laban sa mga kababaihan.

Pinangunahan ng Bangsamoro Women Commission ang annual campaign kung saan kaisa ang iba’t ibang ahensiya sa rehiyon kabilang na ang Ministry of Labor and Employment (MOLE).

Nilahukan din ito ng mga international at national peace and development partners, civil society organizations, indigenous women sector, secondary school teachers and students, religious leaders, at mga manggagawa sa rehiyon.

Bilang bahagi ng kampanya, naglahad si BWC Chairperson Bainon Karon ng kanyang 6th State of the Bangsamoro Women Address o SOBWA at inilatag ang kasalukuyang estado ng mga gender-related programs at mga polisiya sa rehiyon lalo na ang pagkakaroon ng gender-responsive mechanisms at capacity building initiatives sa pagtugon sa Violence Against Women and Children o VAWC.

Binigyang diin ng opisyal ang kahalagahan ng pagkakaisa at kolaborasyon sa pagtugon sa mga critical issues ng gender-based violence at inequality.
Ang 18-Day Campaign to End VAW ay isang nationwide initiative na naglalayon na mapataas ang antas ng kamalayan at magkaroon ng collective action para masawata ang lahat ng uri ng karahasan laban sa mga kababaihan at mga bata.
Tiniyak naman ni MOLE Minister Muslimin Sema ang suporta sa hakbang sa labor workforce.
Ito rin ang ika-20 anibersaryo ng Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 o Republic Act No. 9262.
Commentaires