Moro Islamic Liberation Front Chairman Al Haj Murad Ebrahim, dumalo sa Assembly ng 105th Base Command ng MILF-BIAF sa Camp Darapanan
- Diane Hora
- Oct 23
- 1 min read
iMINDSPH

Personal na dumalo si Moro Islamic Liberation Front Central Committee Chairman at United Bangsamoro Justice Party President Al Haj Murad Ebrahim sa pagtitipon ng mga opisyal at kawani ng 105th Base Command na ginanap sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat.
Sa kabila ng mga hamon at pagsubok sa paglipas ng mga taon, pinuri ni Chairman Murad ang samahan sa pagpapanatili ng pagkakaisa, disiplina at integridad ng organisasyon.
Nagbigay rin siya ng malalim na ulat hinggil sa kasalukuyang sitwasyong pampulitika sa Bangsamoro at sa estado ng Bangsamoro Islamic Armed Forces kung saan binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng kilusan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Hinimok ni Chairman Murad ang lahat ng battalion commanders ng base command na manatiling tapat sa mga adhikain at prinsipyo ng MILF-BIAF at maging katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan, disiplina at pag-unlad sa kani-kanilang mga komunidad.



Comments