MOTC BARMM at mga alkalde ng Buldon, Matanog, at Parang, Maguindanao del Norte, nagpulong kaugnay sa seaport at terminal validation
- Diane Hora
- Apr 23
- 1 min read
iMINDSPH

Nakipag-ugnayan na ang MOTC BARMM kay Parang Mayor Cahar Ibay, Buldon Mayor Pahmia Aratuc Manalao-Masurong, at Matanog Mayor Zohria Bansil-Guro kaugnay sa pagpili at validation ng transportation infrastructure site para sa public transport terminal at seaport area sa mga nabanggit na munisipyo.

Nagsagawa na ng masusing assessment ang MOTC at local government leaders upang masiguro na ang mga napiling sites ay akma sa operational requirements at naaayon sa long-term infrastructure plans.

Ang validation ng public transport terminal ay mahalagang hakbang tungo sa pagbibigay ng ligtas, accessible at well-organized transit services sa mga commuters at transport operators.

Habang ang evaluation naman ng seaport area ay bahagi ng pagpapalakas ng ministry ng maritime connectivity na susuporta sa trade at pangangasiwa sa economic growth ng rehiyon.
Ang pulong ay pinangunahan ni Minister Atty. Paisalin Tago, CPA, kasama si Director General, Atty. Roslaine Macao-Maniri, BLTO Director Engr. Razul Gayak, at Engr. Nasrodin Masakal.
Comments