top of page

Motorcycle enthusiast sa Cotabato City at Maguindanao, patay sa pamamaril sa bayan ng Datu Odin Sinsuat

  • Teddy Borja
  • Feb 17
  • 1 min read

iMINDSPH



Binaril at napatay sa trail area ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang kilalang motorcycle enthusiast na si Christopher “Boyet” Lu.


Ang biktima ay 47-anyos at residente ng Sitio Lomboy, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

Naganap ang pamamaril alas 9:30 kahapon ng umaga sa Sitio Dungus ng nasabing barangay.


Alas 4:30 na ng hapon natanggap ng otoridad ang ulat hinggil sa insidente.


Ayon sa otoridad, pumunta sa lugar ang biktima nang mag-isa. Ayon sa kanilang imbestigasyon, binaril ang biktima ng hindi pa kilalang mga suspek.


Natagpuan sa lugar ang bangkay nito at ang kanyang pang off-road motorcycle.


Labing walong basyo ng 5.56 caliber ammunition ang narekober sa crime scene.


Hindi pa natutukoy ng otoridad ang mga suspek sa pamamaril at motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page