Multi purpose building, itatayo ng LGU Datu Odin Sinsuat sa iba’t ibang barangay sa bayan
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Ang Multi Purpose Building Project sa Barangay SEMBA ay may pondong P10 milyong piso mula sa tanggapan ng butihing Senador, ngayon ay Education Secretary Sonny Angara na pinagsumikapang hilingin nina Working Mayor Datu Lester Sinsuat at Vice Governor Bai Ainee Sinsuat.

Hudyat ang proyekto ng sunod-sunod na mga ground breaking at konstruksyon ng mga Multi Purpose Building sa mga Barangay sa unang quarter pa lang ng taong 2025.

Ang MPB sa Barangay SEMBA ay isa lamang sa siyam (9) Infra Projects na pinagsumikapan hilingin sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Datu Lester Sinsuat na nagpapatupad ng iba't-ibang programa at proyekto na kapaki-pakinabang para sa lahat.
Tiniyak ng alkalde na patuloy parin ang kanyang administrasyon sa pagsulong ng mga programa at proyektong makakatulong sa bawat mamamayan ng Datu Odin Sinsuat.
Comentarios