Multi-purpose building, itatayo sa Dalican Pilot Elementary School, Datu Odin Sinsuat, MDN mula kay Senator Sherwin Gatchalian sa pagsusumikap ng alkalde ng bayan, Datu Lester Sinsuat
- Diane Hora
- Feb 18
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte Mayor Datu Lester Sinsuat, ang groundbreaking ng itatayong multi-purpose building sa Dalican Pilot Elementary School

Ang proyekto ay mula kay Senator Sherwin Gatchalian sa pagsusumikap ng alkalde ng bayan, Datu Lester Sinsuat

Nagkakahalaga ito ng 25 million pesos at inaasahan na matatapos ang konstruksyon sa loob ng lima hanggang pitong buwan
Ayon sa alkalde, magagamit ang proyekto bilang Covered Court, Gymnasium, at mayroon pa itong mga air - conditioned na mga rooms para sa mga mag-aaral at mga guro.
Lubos naman ang pasasalamat ni Hadja Aisa Abdulkarim Dicolano ang School Principal ng Dalican Pilot School sa proyekto na kaloob sa kanila
Ang multi purpose building sa Dalican Pilot Elementary School ang panglimang proyektong itatayo sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Comments