Nabalawag, SGA OIC Mayor Anwar Saluwang at 3 eskort nito, arestado sa Sirawang Checkpoint, Toril, Davao City dahil sa paglabag sa COMELEC gun ban
- Diane Hora
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

Sa inilabas na ulat ng Davao City Police Office Station 8-Toril, inaresto si Nabalawag, SGA OIC Mayor Anwar Saluwang at tatlong iba pa dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 at Omnibus Election Code of the Philippines, alas 10:00 kagabi sa checkpoint ng Task Force Sirawan, Toril, Davao City.

Napag alaman ng otoridad ayon sa report na walang maipakita na gun ban exemption mula sa COMELEC ang mga naaresto.

Sinabi ni Mayor Saluwang sa report ng otoridad, na dadalo ito sa Comprehensive Training on Efficient Fund Management bukas, February 6, 2025 kasama ang iba pang Mayors ng SGA BARMM.
Dinala sa Toril Police Station si OIC Mayor Saluwang at kasama nito para sa proper disposition habang inihahanda na ang complaint sa paglabag sa Violations of R. A. 10591 at Omnibus Election Code of the Philippines.
Sinabi din sa report ni PMaj Sheryl Bautista, ang Acting Station Commander ng DCPO Station 8-Toril na walang kinikilingan ang pagpapatupad ng otoridad sa Election Gun Ban, ano man ang estado sa lipunan at posisyon sa gobyerno.
Kinumpirma naman ni Mayor Saluwang sa iMINDS Philippines ang nangyaring pagharang sa kanila.
Aminado si Nabalawag OIC Mayor Saluwang na wala silang hawak na gun ban exemption mula sa COMELEC pero lisensiyado aniya ang baril at may License to Own and Possess Firearms ang kanilang mga eskort.
Comments