NAGHAIN NG PETITION SA SUPREME COURT
- Diane Hora
- Nov 25, 2024
- 2 min read
iMINDSPH

Naghain ng petisyon sa Supreme Court ang ISAMA Party at hiniling na ideklara na unconstitional at labag sa Bangsamoro Organic Law o BOL ang ilang probisyon ng Bangsamoro Electoral Code na nagre-require ng 10,000 members at pagkakaroon ng municipal chapters sa majority of the municipalities sa bawat probinsya.

Sa labing anim na regional political parties sa BARMM na nagsumite ng petition for accreditation at registration sa Bangsamoro Electoral Office, sampu dito ang narehistro at na-accredit at anim naman ang denied kabilang na ang ISAMA.

Ayon sa kanilang petisyon, nakasaad sa BOL ang “democratic political system” na nagpapahintulot sa lahat na malayang makilahok sa prosesong politikal, at magkakaroon ng “genuine political parties sa ilalim ng “free and open party system”. Wala anila sa BOL ang kagustuhan ng BTA na kailangan ng “strong party system.”
Ayon sa partido, ang mga requirements sa pag register ng political parties ay labag sa kautusan ng Constitution ng “free and open party system” at “no vote shall be counted in favour of political parties except under the party-list system”, kaya dapat intindihin ang terminnong “political party” sa BOL bilang partido ng mga minorya sa loob ng Bangsamoro.
Sa ilalim anila ng ilang probisyon ng BEC ay masasapilitan ang mga minorya, tulad na lang ng Sama, Yakan, Indigenous Peoples at settlers na sumama sa ibang grupo at pilitang isang-tabi ang kanilang adhikain.
Kasama din sa petisyon ang constitutionality at legalidad ng probisyon sa BEC na hindi deemed resigned ang mga appointed officials na kabilang sa parliamentary party representatives, at ang Hindi pagsaklaw ng “lame duck rule” or pagbabawal sa mga kumandidato na manungkulan sa gobyerno sa loob ng isang taon mula sa araw ng election.
Hinihiling din ng ISAMA na ipagpaliban ng COMELEC ang pag imprinta ng mga balota sa parliamentary election habang nakabinbin ang kanilang petisyon.
Sakaling magkaroon ng positibong tugon ang Korte Suprema sa kanilang petisyon hinihiling ng ISAMA na buksan muli COMELEC ang period for convention of political parties at ang submission ng Manifestation of Intent to Participate, List of Nominees at Certificate of Acceptance of Nomination para sa regional parliamentary parties.
Ayon sa ISAMA ang kanilang petisyun ay hindi lamang para sa kanilang grupo ngunit eto ay para sa lahat ng maliit na sektor ng lipunan na gastong marinig ang kanilang hinaing, maipaglaban ito at maka-ambag sa ikakabuti ng Bangsamoro.
Commentaires