iMINDSPH

Pormal na nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Miyerkules ng hapon si Maguindanao del Norte Governor Abdulraof Macacua matapos itong italaga ng Pangulo bilang bagong Interim Chief Minister ng BARMM.

Sa kanyang mensahe sinabi ng Pangulo na inaabangan ng national government sa pamumuno ni Macacua sa Bangsamoro Transition Authority ang pagpapatuloy ng pag unlad na naabot ng BARMM.

Ang pamumuno nito ayon sa Pangulo ay nataon sa mahalagang panahon ng paghahanda ng rehiyon sa kauna-unahang pagdadaos ng parliamentary elections at pagtiyak ng maayos ng transition at matatag na kinabukasan para sa Bangsamoro people.
Comentarios