National Most Wanted na nahaharap sa kasong murder, may patong sa ulo at may warrant of arrest, timbog sa Malapatan, Sarangani Province
- Teddy Borja
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “Gido”, 35 taong gulang at residente ng Barangay Del Rio, Glan, Sarangani Province.
Inaresto ito, araw ng Lunes, October 20 sa Barangay Sapu Masla, Malapatan.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Malapatan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, at 1st Sarangani Provincial Mobile Force Company — pawang nasa ilalim ng Sarangani Police Provincial Office — katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) North Cotabato Provincial Field Unit at Regional Intelligence Unit 12.
Ang naarestong suspek ay agad dinala sa Malapatan Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon alinsunod sa batas.



Comments