top of page

Negosyante na Karancho member, nasawi matapos barilin habang naka upo sa isang barber shop sa palengke ng Parang, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Feb 3
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa report ng Parang Municipal Police, naka upo sa isang barber shop sa palengke ng Parang, Maguindanao del Norte ang biktima na si Mokamad Maru Abang, residente ng barangay Making nang barilin ng dalawang hindi pa kilalang mga salarin.



Naganap ang pamamaril alas 8:05 ng umaga, araw ng Linggo, February 2, 2025.


Narekober sa crime scene ang fired cartridge mula sa caliber 45 pistol.


Dinala pa ang biktima sa Iranun District Hospital sa nasabing bayan pero ayon sa report, dineklara itong dead on arrival ng attending physician.


Personal grudge ang isa sa mga posibleng motibo na tinitingnan ng otoridad sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page