top of page

Negosyante, Patay sa Pamamaril sa Barangay Kibleg, Upi, Maguindanao del Norte; Cash na Nakasilid sa Sling Bag ng Negosyante, Nawawala!

  • Teddy Borja
  • Jan 7
  • 1 min read

iMINDSPH


Pinagbabaril patay ang isang negosyante sa Barangay Kibleg, Upi, Maguindanao del Norte, ala 5:00 kahapon.



Kinilala ang biktima na si Edwin Liha Valdez, residente ng Barangay Nuro, Upi.



Base sa imbestigasyon ng Upi Municipal Police,


Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at patungo umano ng Cotabato City nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin.


Ayon sa otoridad, base sa salaysay ng pamilya ng biktima, may dala itong sling bag na may laman na cash na hindi na umano natagpuan sa crime scene.


Tatlong basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa caliber 45 ang natagpuan sa pinangyarihan ng insidente.


Ayon sa Upi MPS, inaalam pa nila ang motibo sa pamamaril.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page