top of page

Occupational Safety at Health Network sa mga private establishments, pinalalakas ng MOLE BARMM

iMINDSPH



Ikinasa ng Ministry of Labor and Employment ang isang Consultative Meeting sa mga pribadong establishimento sa iba’t ibang lalawigan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.



Ito ay kaugnay sa Occupational Safety at Health Network.



Isinagawa ang unang pulong para sa 1st quarter ngayong taon sa araw ng Martes, March 11, 2025, sa Cotabato City.



Lumahok sa pulong ang mga Managers, supervisors, at representatives mula sa 12 private establishments sa Cotabato City, Maguindanao at Lanao del Sur


Pinangunahan ng MOLE ang pulong sa ilalim ng liderato ni Minister Muslimin Sema sa pamamagitan ng Bureau of Labor Relations and Standards.


Ilan sa mga concerns na inilatag sa pulong ay ang requirement ng pagkakaroon ng First Aider sa bawat establishment, trainings para sa Safety Officers, at proof of compliance alinsunod sa Labor Inspections.


Nagpulong din ang OSH-Net officers at tinalakay ang mga usapin hinggil sa Safety Officer’s Training, request para sa livelihood training, at labor summit.


Sa pagbibigay prayoridad sa safety at welfare ng Bangsamoro workers, tinitiyak ng MOLE na ang labor sector at ang management sector ay mayroong sapat na kaalaman sa kinakailangan sa paggalang sa labor standards.

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page