Online seller mula Midsayap, Cotabato, arestado sa Davao City
- Teddy Borja
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Davao City-
Arestado ang isang online seller mula sa Midsayap, Cotabato dahil sa kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines
Kabilang ang suspek na si alyas “Jing-Jing”, 32 years old sa Top 5 Most Wanted ng bayan.
Inaresto ito ng otoriad alas 4:00 ng hapon, a-19 ng Mayo sa Talomo, Barangay Bago Gallera, Davao City.
Ito’y matapos isilbi ng otoridad ang warrant of arrest laban sa kanya.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Presiding Judge ng Municipal Trial Court, Midsayap, Cotabato, na may petsa na June 28, 2021.
12,000 pesos ang inirekomendang piyansa ng korte.
Comments