Online seller ng motosiklo, sugatan matapos barilin sa Barangay Gokotan, Malidegao, SGA BARMM
- Teddy Borja
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Sugatan sa pamamaril sa Malidegao, Special Geographic Area, BARMM ang isang online seller ng motorsiklo.
Kinilala ang biktima na si Samuel Dandua, residente ng Barangay Gokotan, Malidegao, SGA BARMM
Ayon sa Montawal Municipal Police, binabaybay ng biktima ang Davao - Cotabato Road nang biglang paputokan ng riding in tandem suspects.
Agad tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang krimen.
Narekober sa crime scene ang dalawang piraso ng fired cartridges ng di pa matukoy na uri ng baril.
Nakatakda itong isumite sa RFU BAR para sa ballistic examination.
Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen at sa pagkakakilanlan ng mga suspek.
Comments