top of page

Operator ng Drug Den at 5 iba pa, huli sa buy-bust ng PDEA sa Basilan

iMINDSPH



Sa report ng PDEA BARMM-

Matagumpay na nawasak ang isang drug den at naaresto ang operator nito kasama ang lima pang indibidwal sa isang buy-bust operation sa Pamaran Village, Purok Digong, Barangay Malinis, Lamitan City, Basilan noong Marso 7, 2025.



Ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng pinagsamang puwersa ng PDEA RO BARMM Basilan Provincial Office, Lamitan City Police Station, 18th Infantry Battalion ng Philippine Army, 1st Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 14-Basilan, at Philippine Coast Guard.



Muling pinagtibay ni PDEA Director Gil Cessrio Castro ang dedikasyon ng ahensya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at pinaalalahanan ang publiko na bawat tagumpay laban sa iligal na droga ay hakbang tungo sa mas maliwanag at mas ligtas na kinabukasan para sa mga Baseleño.


Pinuri rin niya ang LGU ng Lamitan City, sa pangunguna ni Mayor Orick Furigay, pati na rin ang iba pang ahensiya ng gobyerno, sa kanilang patuloy na suporta sa misyon ng PDEA.


Nasamsam at nakumpiska sa operasyon ang dalawampu’t dalawang (22) piraso ng pakete ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang may timbang na 12 gramo na nagkakahalaga ng ₱81,600.00, kasama ang buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia, anim (6) na cellphone, at mga assorted na identification cards.


Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina:

- Alias Popoy, 34 taong gulang, lalaki (operator ng drug den)

- Alias Dodong, 45 taong gulang

- Alias Janjan, 40 taong gulang

- Alias Wi, 28 taong gulang

- Alias Mar, 35 taong gulang

- Alias Vincent, 25 taong gulang


Ang mga naaresto ay pawang residente ng nabanggit na lugar.


Ang mga suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page