iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “Tats” residente ng Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nakuha ng otoridad sa operasyon ang tatlong sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang na mahigit kumulang 150 gramo.
Narekober din ang isang motor at buy-bust money.
Sa report ng otoridad, sa Barangay Kabuntalan, Sultan Kudarat ang unang lugar na pinagkasunduan ng poseur buyer at ang suspek para isagawa ang operasyon.
Ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala na sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station para sa documentation at proper disposition
Comentários