P1,400,000 halaga ng suspected shabu, nasamsam sa anti-illegal drugs operation sa Davao City
- Teddy Borja
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Nakumpiska ng mga elemento ng Davao City Police ang 1.4 million pesos na halaga ng suspected Shabu sa ikinasang anti-Illegal drug operation. Arestado sa operasyon ang isang High-Value Individual.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Bai”.
21 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa operasyon, a-30 ng Enero sa Purok 1, Hill Top, Brgy. Langub, Davao City.
Nakuha rin sa operasyon ang LTO driver’s license, Android phone, wallet, at isang Honda PCX motorcycle.
Comments