top of page

P10 million healthcare support, kaloob ng AMBaG sa Iranun District Hospital

iMINDSPH


Isinagawa ng AMBaG ang ₱10 million fund transfer sa Iranon District Hospital para sa patuloy na pagtataguyod ng Kalinga at Serbisyo at pagpapalakas ng healthcare services sa buong rehiyon.



Layon nito ang libreng medical assistance para sa mga indigent patients at vulnerable sectors ng Bangsamoro.


Ang fund transfer ay pinangunahan ni Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan at AMBaG team.


Nagpapasalamat naman si Dr. Harris Macapeges, ang Chief ng Iranon District Hospital sa suporta ng BARMM government. Malaking tulong aniya ang pondo para sa mga residente ng bayan na hirap sa pinansiyal.



Ang AMBaG ay nagsisilbing support system para sa public hospitals sa pamamagitan ng pagsalo sa medical expenses, treatments, at iba pang vital healthcare services.


Ang AMBaG ang isa sa mga flagship programs ng tanggapan ng Chief Minister ng BARMM.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page