P10 million na support fund, kaloob ng AMBAG ng BARMM Government sa Sulu Provincial Hospital
- Diane Hora
- Feb 10
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang suporta ng BARMM Government sa lalawigan ng Sulu sa kabila ng Supreme Court decision na hindi na kabilang ang lalawigan sa BARMM.

Kaloob muli ng AMBAG ang sampung milyong piso na support fund sa Sulu Provincial Hospital.
Tinanggap ni Abdel-Aziz J. Iran, Accountant III ng Sulu Provincial Hospital ang tseke. Nagpapasalamat ito sa AMBAG sa financial support na malaking tulong aniya sa medical assistance sa mga pasyenteng nangangailangan.
Comments