top of page

P2.3M halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng otoridad matapos ma-intercept sa isang checkpoint sa Makilala, Cotabato Province; 2 driver, arestado!

  • Teddy Borja
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH


Nasamsam ng otoridad ang 2.3 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes matapos ma-intercept sa isang checkpoint sa Makilala, Cotabato Province. Arestado naman ang dalawang driver ng dalawang mini van na may karga ng mga sigarilyo


Ang kabuuang 2,349,912 pesos na halaga ng ipinuslit na sigarilyo ay nasamsam sa Purok 8, Barangay Poblacion, a-28 ng Enero.


Ayon sa otoridad mula sa Bansalan, Davao Del Sur ang dalawang mini van na minamaneho ng isang alyas “Marlon”, 37 years old, residente ng Panabo City at isang alyas “Arslan” 42-anyos, residente ng Tabuk, Zamboanga City.


Lulan ng van ang 2,188 reams ng smuggled cigarettes.


Dinala sa Makilala Municipal Police Station ang mga nakumpiskang ebidensiya at naarestong indibidwal para sa proper documentation at disposition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page