P25 MILLION HALAGA NG FARM EQUIPMENT, ITINURN OVER SA MGA MIYEMBRO NG MNLF NA BAHAGI NG TRANSFORMATION PROGRAM SA ILALIM NG SOCIO-ECONOMIC PROVISIONS NG 1996 FINAL PEACE AGREEMENT SA PAGITAN NG MNLF
- Diane Hora
- Dec 5, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy sa pagsusulong at pagsuporta sa sustainable peace and development ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity o OPAPRU at ng Moro National Liberation Front.

Twenty-five million pesos na halaga ng farm equipment ang itinurn over ng gobyerno sa mga MNLF members.

Ito ay kinabibilangan ng walong tracktors, anim na rice combine harvesters, corn sheller, at iba pang machinery accessories.

Bahagi ito ng Transformation Program sa ilalim ng socio-economic provisions ng 1996 Final Peace Agreement sa pagitan ng MNLF.
Ang turn over ceremony ay pinangunahan ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., MOLE Minister at MNLF Chairman Muslimin Sema, Atty. Shidik Abantas, ang bagong installed Chancellor ng MSU-General Santos City.
Layunin ng hakbang na ito na mapahusay pa ang agricultural productivity sa covered regions, na kinabibilangan ng mga komunidad sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Cotabato Province, Cotabato City, Sultan Kudarat, at Sarangani.
Comments