top of page

P26.4 milyong piso na halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng mga tauhan ng PNP PRO 9 sa Baliwasan, Zamboanga City; 2 indibidwal, arestado

  • Teddy Borja
  • 5 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Bandang ala 7:40 ng umaga, July 7 nang masabat ng mga tauhan ng PNP PRO 9 ang isang closed van na kargado ng mga hinihinalang smuggled na sigarilyo sa isinagawang checkpoint operation.


Arestado ng awtoridad ang isang 33 at 37-anyos na mga lalaki na kapwa taga Zamboanga City.


Isinailalim sa imbestigasyon ng ZCPS 11 ang mga suspek at ang nakumpiskang sasakyan, habang ang mga nasabat na sigarilyo ay itinurn-over na sa Bureau of Customs (BOC) para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.


Patuloy ang dedikasyon ng PRO 9 sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa buong Zamboanga Peninsula, kasabay ng maigting na kampanya kontra ilegal na kalakalan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page