top of page

P3,300,000 halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng otoridad lulan ng isang 10-wheeler truck sa checkpoint operation sa Barira, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinigil ng otoridad sa checkpoint operation sa barangay Lamin, Barira, Maguindanao del Norte, a-7 ng Abril ang isang 10-wheeler truck na nakarehistro sa isang machine shop sa Malate Manila at minamaneho ng isang alyas “Torre” 45-anyos at isang alyas “Pab” 30 years old, parehong residente ng Zamboanga.



Sa report ng otoridad, may kargang 220 boxes ng mga ipinuslit na sigarilyo ang truck.



Agad namang dinala sa Headquarters ng Marine Battalion Landing 2 sa Nituan, Parang, Maguindanao del Norte ang nakumpiskang smuggled cigarettes para sa inventory at dokumentasyon.


Kasabay na itinurn over ng Philippine Marines sa Bureau of Customs sa port of Davao ang panibagong nakumpiska na 220 boxes ng smuggled cigarettes at 490 boxes ng mga ipinuslit na sigarilyo na nasamsam naman sa isang operasyon noong September 21, 2024 na nagkakahalaga ng Php 13,720,000.


Kasama rin na itinurn over ng Philippine Marines ang isang van at ten-wheeler truck

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page